Thursday, June 19, 2008

Semi-Annual Blogging


Hayyyy! Di na naman ako makatulog. Kasi uminom ako ng coffee late in the afternoon. Eto ako ngayon, parang kagigising lang. Nanonood ako ng Nuts Entertainment. Nakakatuwa rin ang games nila. Yung current game is burahan ng pirma sa katawan using body parts except for the hands. Hahaha... nakakatuwa panoorin ang mga game participants.

Kanina, sumabay sa amin mag-dinner si tantan (yung 4 years old kong pamangkin). Nakakatuwa kasi she is already active in conversations. In fact, she is starting to lead the discussions nga. Andami niya nang kwento. At first I'm just taking her presence for granted, but later, I realized that I'm missing their growing up years. Andami niyang kwento tungkol sa school. Nagiging aware na siya sa mga nangyayari sa paligid niya. Tinanong siya ng mother ko kung ilan silang cute sa school. She had a big smile saying na "ako lang ang cute." So I tested her understanding of the word. Sabi ko bakit niya nasabing cute siya... Ano ba ang meaning ng cute... She answered "siya lang daw ang maliit sa school nila." Hayyy... I really enjoyed her company and it made our simple dinner a special one.

No comments: